Rollback naman sa oil price!

By

Panibagong paggalaw sa presyo ng produkong petrolyo ang muling ipa­tutupad ngayong linggong ito.

Maaasahan bukas, Martes, ang rollback sa krudo at gasolina, kasunod ng dalawang sunod na linggong ipinatupad na oil price hike.

Naglalaro sa P0.50 sentimos kada litro ang tinatayang kaltas sa diesel, habang P0.20 naman sa gasolina.

Gayunman wala pang namang pahayag na paggalaw sa presyo ng kada litro ng kerosene.

Matatandaan na dalawang sunod na linggo na nagpatupad ng pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo.

Ang panibagong pres­yuhan ngayong linggo ay bunsod pa rin ng panibagong presyuhan ng crude oil sa pandaigdigang merkado.