Rochelle, sabik nang mabuntis

By

ILANG linggo na lang ay kasalang Rochelle Pangi­linan at Arthur Solinap na.

Naipamudmod na ang wedding invites ng dalawa para sa kanilang malalapit na kaibigan.

Early August ang kanilang kasal, na sana ay hindi ulanin dahil sa Tagaytay ang kanilang wedding venue.

Parang ang saya ng prenup shoot ng RocArt na kuha ng Niceprint Photo.

May swit-switan moments sila sa may dagat, sa may batuhan, sa may bonfire by the beach, meron ding magkasama silang nagra-running at meron sa basketball court na buhat ni Art si Roc para i-shoot ang bola.

Matagal din itong hi­nintay ng dalawa at sa wakas ay matutuloy na.

Isa sa pinaka-excited ay ang pinsan ng groom na si Dingdong Dantes.

May pa-countdown si Dong sa IG nito, na ang ganda ng shot kay Art na may mga hawak silang baso na may red wine.

“24 nights to go till your big day, Art! We’re extremely happy for you and Rochelle,” ang sabi sa caption ng bestman ni Art na si Dong.

Ang alam namin ay gusto nina Rochelle na magka-baby kaagad after ng kasal nila ni Art.

Sana nga ay ma-preggers agad ang 35-anyos na dancer-actress.

If ever ay madadagdag siya sa humahabang listahan ng mga bagong buntis sa showbiz tulad nina Nikki Gil, Jopay Paguia at Kaye Abad.