ROCHELLE AT ARTHUR, TIPID SA KASAL

By

ENJOY sina Rochelle Pangilinan at Arthur Solinap sa kanilang wedding preparations.

Nag-food tasting na sila. Medyo saliwa lang ang sked nila lately dahil Thursday lang walang taping ng Encantadia si Rochelle, na araw naman ng taping ni Arthur ng Pepito Manaloto.

Simple lang, na masaya at masarap ang food ang kasal na gusto ni Rochelle. As in intimate na ‘yung mga talagang nakaka­kilala lang sa kanila ni Art ang imbitado.

Sey ng Kapuso actress-dancer, ang daming kapamilya ni Art, pero mag-i-stick lang sila sa 250 guests.

Hirap silang magbawas dahil umabot ng 400 ang nasa listahan nila.

Ang dinig namin ay sa August magaganap ang wedding, kaya lang ay mukhang mababago dahil tag-ulan na ‘yung mga ganu’ng buwan.

Pinag-uusapan pa nila at inaayos ang final date, pero definitely this year ito.

Ang sure na ay sa Tagaytay ang venue ng kanilang intimate garden wedding. Paborito kasi nila ang lugar na ‘yon at doon naging sila.

Doon din dinadala ni Rochelle ang tatay niya nu’ng nabubuhay pa ito.

Gustung-gusto nang magkaanak agad ni Rochelle pagkatapos ng kasal. Si Art din ay atat nang magka-baby.

Kaya ang sabi sa amin ni Rochelle, tipid sila sa gastos sa wedding dahil ang gusto nilang pagtuunan ay ‘yung after the wedding na pagpapalaki sa bata at pagpapaaral dito.

Katwiran ni Roc, after niyang manganak ay hindi niya alam kung makakapagtrabaho siya kaagad, so kailangan nila itong paghandaan lahat.

Kabilang sa magiging Ninong sa kasal nina Rochelle at Art ang Tito, Vic & Joey, si Direk Mark Reyes at si Perry Lansigan.

Kasama sa mga Ninang sina Tita Malou Fagar (ng Eat Bulaga), Tita Lilybeth Rasonable (ng GMA) at Joy Cancio (mana­ger ng dating grupo nina Rochelle na Sexbomb).

Maids of honor niya sina Andrea Torres, Max Collins at Luane Dy. Ang pinsan ni Art na si Dingdong Dantes ang bestman nito.

Kinantiyawan namin si Rochelle na ang lakas niya sa GMA at kay Direk Mark dahil hindi siya natsugi sa Encantadia.

Mula kay Agane na taga-Hathoria, siya na ngayon si Andora na taga-Etheria. Natatawa niya kaming kinontra na hindi totoo ‘yon dahil walang palakasan sa show.

Napakasama ni Andora, na totally binago ni Rochelle sa itsura, kilos at pananalita ng nauna niyang karakter na si Agane.

Kagagawan nina Andora at Asval (Neil R­­­­yan Sese) ang pagkamatay nina Mira (Kate Valdez), Gilas (Jake Vargas), Wahid (Andre Paras) at Lira (Mikee Quintos) sa Encantadia.