Rider sa N. Ecija napisak sa trak

By

SAN LEONARDO, Nueva Ecija — Patay noon din ang isang 49-anyos na empleyado ­makaraang magulungan ng trak ang ulo nito sa kahabaan ng Maharlika highway sakop ng Brgy. Tabuating dito noong Sabado ng umaga.

Sa ulat ni P/Chief Inspector Rannie Casilla, nakilala ang biktima na si Genelito Millar Candelaria, residente ng Brgy. Bonifacio rito na namatay noon din.

Lumitaw sa imbestigasyon na dakong ­alas-9:40 ng umaga nang mag-overtake umano ang ­motorsiklo subalit sumabit sa likuran ng trak kaya’t ­sumemplang.

Sa kamalasan pumailalim sa trak si Candelaria at nagulungan ang ulo nito ng gulong sa likuran ng trak na minamaneho ni Rexie Busalpa Alaurin na boluntaryong sumuko sa Sta. Rosa police.