Regine, loyal sa nagbibigay ng trabaho

By
1236

Regine Velasquez
Regine Velasquez

NAUUBOS ang boses ni Regine Velasquez-Alcasid sa bago niyang show na Full House Tonight dahil bukod sa pagkanta ay nagko-comedy din siya.

May 2-3 musical numbers siya sa show, tapos ay kasali siya sa gags at comedy sketches.

Nauuna ‘yung comedy portion, so ‘pag kantahan na ay medyo ubos na ang voice niya.

Aminado si Songbird na mahirap gawin ang bago niyang weekly show, pero okey lang sa kanya at kaya ito ng po­wers niya.

Bet ni Regine ‘yung idea na makikita siyang nagpapatawa kasama ng mga komedyante at hindi lang siya kakanta tuwing Sabado night.

Paglilinaw ni Reg.matagal na ang concept ng GMA na Full House Tonight, kaya hindi ito gaya-gaya sa Sunday PINASaya.

Aniya, parang magkapareho, pero ‘pag pinanood mo ito ay iba siya sa SPS. Sa concept lang medyo hawig, pero magkaiba ng execution.

Bukod sa FHT ay meron siyang Sarap Diva sa Kapuso network at soon ay ka-join din siya sa cast ng telefantasyang Mulawin V. Ravena.

Mas okey kay Regine na nasa magkabilang istasyon sila ng mister niyang si Ogie Alcasid dahil mas hindi sila magkakasawaan.

So, hindi siya lilipat sa ABS-CBN gaya ni Ogie?

“Talagang outright? Ha! Ha! Ha! Hindi pa puwede. Hindi, like I said, I like working with GMA because I’m given all these privileges. Kung happy ka naman where you are, why change it, ‘di ba?

“But you know, as an artist kasi, you go where there’s work. ‘Yun ‘yung totoo nu’n.

“I mean, as much as we want to be loyal, we go where there is work. Kasi, may family k­ami, eh.

“We need to feed our families. So siyempre, doon kami kung saan may trabaho.”

Nakikita ni Reg. na masayang-masaya si Ogie kung nasaan ito and she’s so happy for her husband.

“Kasi, medyo matagal din siyang hindi nakita sa telebisyon, medyo matagal din siyang namahinga.

“So, he missed it.

“Nakakatawa dahil parang inspired na inspired siyang magpatawa, inspired na inspired sumulat ng kanta.

“Kasi, feeling ko, naipon. Kasi, parang ako lang ‘yung pinapatawa niya. Ha! Ha! Ha!

“Nasa bahay lang, nagsasasayaw siya sa bahay namin, ‘di ba? So ngayon, sobra siyang inspired.

“Tapos, nakakatawa siya kasi, sinasabi n­iya, ‘Hon, may fans ako! Nagti-trending ako!’ Sabi ko, ‘I’m so happy for you!’ Ha! Ha! Ha!”

Bukas (February 18) ang premiere episode ng musical-comedy show ni Regine na Full House Tonight pagkatapos ng Magpakailanman.