Red tide sa Samar, ibinabala

By

Nagbabala kahapon ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) laban sa pag­kalat ng red tide toxin sa mga bahagi ng Western Samar at limang iba pang probinsya.

Ayon sa BFAR, ang mga baybayin na apektado at positibo sa paralytic shellfish poison na lampas sa regulatory limit ay ang Daram Island, Irong-Irong Bay, Maqueda Bay, Villareal Bay at Cambatutay Bay sa Western Samar; Matarinao Bay sa Eastern Samar; Carigara Bay sa Leyte; Inner Malampaya Sound, Taytay sa Palawan; Mandaon sa Masbate; at Mariveles, Limay, Orion, Pilar, Bala­nga, Orani, Abucay at Samal sa Bataan.

Kontaminado rin sa red tide toxin ang Honda Bay, Puerto Princesa City sa Palawan.