Red jersey inagaw ni Morales

By

UNISAN, Quezon — Binuntutan ni defending­ champion Jan Paul Morales si Navy-Standard ­Insurance teammate Jay Lampawog para agawin ang overall leadership matapos ang Stage 8 ng LBC ­Ronda Pilipinas 2017 kahapon.

Unang tumawid ng finish line si Lampawog sa nirehistrong 4 hours, 29 minutes, 29 seconds sa 183-km road race na nagsimula sa Daet, Camarines Norte. Kabuntot niya si Morales, 31.

Inungusan ni Morales sa overall ang kakamping si Rudy Roque na hindi kasama sa top 10 na tumawid ng meta.

“Depensa ang isa sa naging susi ng panalo ­namin, talagang binantayan namin ‘yung mga gustong ­kumawala,” saad ni Lampawog, dumating sa finish 1 minutes, 10 seconds sa unahan ni Morales.

Nakalikom si Morales ng 28:55:16 sapat para makuha ang overall leadership matapos ang walong stages ng event na nilaanan ng P1 milyong premyo sa kampeon mula sa presentor na LBC, MVP Sports Foundation, Petron, Mitsubishi, Versa.ph, Partas, Maynilad, Standard Insurance, CCN, Bike Xtreme, NLEX, PhilCycling at 3Q Sports Event Management.

Nalaglag sa second si Roque na simula stage 2 hanggang pagsibat ng stage 8 ay suot ang LBC red jersey na simbolo ng overall leader.