Abante Tonite Interactive

DO-RE-MI, NOSTALGIC

Donna, Mikee at Regine
7

MAY birthday celebration si Regine Velasquez bukas.

Makikisaya ang cast ng Meant To Be sa Sarap Diva bukas ng umaga, pagkatapos ng Maynila sa GMA 7.

Makiki-party sina Barbie Forteza, Ken Chan, Jak Roberto, Addy Raj at Ivan Dorschner sa bahay ng Cooking Diva.

May paandar si Ken na Meant to Be-chon, ang version niya ng lechon ribs.

Sa Full House Tonight bukas ng gabi pagkatapos ng Magpakailanman, magba­balik-tanaw ang Asia’s Songbird sa 90’s movie niyang DoReMi.

Kasama niya syempre sina Donna Cruz at Mikee Cojuangco. Abangan ang nostalgic performances nila ng I Can at Kapag Tumibok Ang Puso.

Malalagay sa hot seat ang Songbird sa tell-all interview na pangungunahan nina Anjo Yllana at Janno Gibbs.