RAFAEL, MAS ASTIG ANG MGA UGAT

By

VEGAN ang Kapuso hunk na si Rafael Rosell na sobrang piling-pili ang kinakain.

Halos 4 years nang hindi kumakain ng ‘bad foods’ si Rafael.

Last year ay may nakain siyang dumpling na hindi niya alam na may karne, so niluwa niya ito. Hindi niya nami-miss ang lasa ng meat.

Sabi sa amin ng ­Kapuso hunk, hindi ­siya nag-vegan just for ­vanity or aesthetics ­kundi ­sadyang tutol siya sa anumang klase ng killing.

Para sa kanya, dapat igalang ang living things, so hindi kailangang pumatay ng hayop just for food.

Salad ang madalas na kainin ni Rafael, na ­aminadong nahirapang i-give up ang seafood dahil paborito niya ang fried ­galunggong.

Pati sa pananamit ay iniiwasan niyang magsuot ng leather na ­mula sa balat ng kinatay na hayop.

Nang tanungin ­namin siya kung anong best thing about the vegan lifestyle, ang sagot ni Raf ay, “Your blood circulates so much faster sa lahat ng veins sa katawan mo. Even the ­biggest veins.”

“Oh, wow! I love it! Even THAT VEIN?” hirit namin kay Rafael, na ­na-gets agad na may pagka-naughty ang tanong namin.

“You’ll love it even more if you go vegan. That vein stays strong,” natatawang sagot ni Raf, na nakatsika namin sa event ng Nisce sa Megamall nu’ng Sabado.

So, anong nagbago sa VEIN niya na ‘yon?

“It’s three times ­stronger.”

Anong ibig niyang sabihin?

“Ha! Ha! Ha! Bahala na, basta!”

Ano nga? Mas ­ASTIG, ganern?

“Mas astig. Mas GALIT.”

Talaga ba? At dahil ‘yun sa pagiging ­vegan niya?

“Oo naman, dahil ano bang pumipigil sa blood stream natin? ­Animal fat. Kaya mabagal ­lumusot ‘yung dugo sa veins ­natin. Same thing goes for all the veins.”

At ganu’n din sa ibang BODILY ­FLUIDS, ganu’n ba?

“Yes! Ha! Ha! Ha!” tawa ni Rafael, na hindi raw nagkakasakit dahil sa kanyang healthy lifestyle.

May non-showbiz girlfriend si Rafael na almost a year na niyang karelasyon.

Tahimik lang ang kanyang lovelife, na ang description niya sa kanyang girlfie ay ­‘regular person from a regular family.’

Valerie Gomez Chia ang name ng girl na mas bata nang konti kay Raf.

So far ay ‘a lot better’ daw ang relasyon ngayon ng 34-anyos na binata kesa sa mga nakaraan.

Matagal na palang ­endorser si Rafael ng Nisce (ang bigkas ay ‘nih-se’) beauty center kung saan siya nagpapa-facial, na hindi na niya madalas magawa ­ngayon dahil sa pagiging busy.

Isa si Rafael sa ­leading men ni Kris ­Bernal sa ­upcoming ­Kapuso ­series na Impostora.