P1M total prize 

By

Tumataginting na P1Million ang nakatayang premyo sa ikalawang yugto ng 2017 Philracom Fillies Colts Series ngayong Linggo sa MetroTurf Racing Complex.

Siyam na kabayo ang nominado sa nasabing karerang paglalabanan sa distansyang 1,400-meter distance: Aphrodisiac, Bridgeofdriverkwai, Facing Dixie, Golden Velvet, Hot To Trot, Lion’s Gate, Mikaela Irene, Miss American Pie at Victorious Colt.

Pawang mga bagito ang mga ito sa laban pero dito na makikita at mararamdamamn kung sino ang mga puwedeng matinding contenders sa mga malalaking pakarera para sa 2-year-old sa darating na Disyembre.

Lalo pang masasabik ang mga ito sa laki ng first prize na P600,000, ang sesegundo’y tatanggap ng P225,00, tersero’y P125,000, at quarto’y P50,000. Magkakaroon din ng breeder’s bonus na P30,000.

Sa MetroTurf din gaganapin ang 45th edition ng Presidential Gold Cup sa Disyembre 10, lahat ng magagaling na lokal na kabayo ay maglalaban-laban para sa P5-million total prize.