PVL: MVP SI PABLO!

By

Tulad ng inaasahan ng marami, iniuwi ni Pocari Sweat Ace Myla Pablo ang MVP honors ng Premier Volleyball League Open Conference.

Si Pablo ang nasa unahan ng atake ng Lady Warriors para makabalik sa championship ng liga na inorganisa ng Sports Vision at suportado ng Mikasa at Accel.

Ang dating NU star din na si Pablo ang tinanghal na Finals MVP nang sikwatin ng Pocari ang titulo ng Reinforced Conference.

Si Pablo din ang 1st Best Outside Spiker nga­yong conference, kasama niyang humamig ng individual awards sa FilOil Flying V Center sa San Juan kahapon sina Grethcel Soltones ng BaliPure (2nd Best Outside Spiker), Jeanette Panaga ng Pocari (1st Best Middle Blocker), Risa Sato ng BaliPure (2nd Best Middle Blocker), Iari Yongco ng Air Force (Best Opposite Hitter), Mel Gohing ng Pocari (Best Libero) at Jia Morado ng Creamline (Best Setter).

Sa first game kahapon, pinabagsak ng Creamline ang Hair Fairy Air Force 25-15, 25-21, 25-19 para dumikit ng isang panalo pa sa bronze medal.

Nagkamada si Rosemarie Vargas ng eight attack points, two aces at block para sa Cool Smas­hers. Inangklahan ni Angela Nunag ang matin­ding depensa ng Creamline sa kinumpletong 14 excellent digs.