PVL: Maroons winasiwas ang Falcons

By

Nilista ng University of the Philippines ang unang panalo matapos kalusin ang Adamson University, 23-25, 25-20, 25-13, 25-22 kagabi sa Premier Volleyball League Open Conference sa Filoil Flying V Arena sa San Juan.

Lumabas ang bangis­ ng Lady Maroons matapos matisod sa first set, dinaklot ang tatlong sunod na frames upang ipinta ang 1-3 card kapareho ng Power Smashers at Banko-Perlas.

Nirehistro nina Diana Carlos at Isa Molde ang 20 at 17 points, ayon sa pagkakasunod, para sa Lady Maroons. Sa Miyerkules makakaharap ng UP ang Perlas na pina­dapa ng Power Smashers noong Sabado.

Sumalo naman sa se­cond spot ang Philippine Air Force matapos nilang pabagsakin ang BaliPure, 23-25, 25-21, 25-19, 18-25, 15-11 sa unang laro.

Kinapitan ng Lady Jet Spikers sina Jocemer Tapic at Dell Palomata sa opensa upang ilista ang 3-1 record at saluhan sa second ang defending champion Pocari Sweat.

Napansin ni Air Force coach Jasper Jimenez na kulang ang  kanilang gitna kaya naman mula sa bench ay hinugot nito ang naging bayani sa krusyal na si Palomata.

“Kulang kami sa gitna kaya buti na lang maganda ‘yung pagkabunot ko sa kanya. She was a big factor for us,” patungkol ni Jimenez kay Palomata.


SHARE
Previous articleBinurdahan ng bala
Next articleBawas pahirap sa mga OFW