PVL: Isa pa sa BaliPure

By

pvl-gretchel-soltones-balipure
Natawa na lang si Grethcel Soltones (5) ng BaliPure nang lumagpas sa kanya ang bola. Nakipagtulungan si Soltones kina Aiko Urdas, Risa Sato at Jerrili Malabanan at ibinaon ng Water Defenders ang Pocari Sweat 25-22, 25-19, 25-22 sa opener ng Premier Volley League Open Conference Finals. (Jhay Jalbuna)

Binulaga ng BaliPure ang defending champion Pocari Sweat sa straight sets 25-22, 25-19, 25-22 victory kagabi sa Finals opener ng Premier Volleyball League Open Conference best-of-three series sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.

Isang hakbang na lang at masisilo ng Water Defenders ang korona laban sa team na bumigo sa kanila sa Reinforced Conference may dalawang buwan na ang nakararaan.

Sa Miyerkules ang Game 2.

“Iisa lang ang nasa isip nila, ang manalo,” diin ni BaliPure coach Roger­ Gorayeb. “Sana makuha na namin sa Miyerkules,”

Nagtulong sina Grethcel Soltones, Aiko Urdas, Risa Sato at Jerrili Malabanan sa opensa ng BaliPure

Naghalinhinan naman sina Water Defenders setters Angelica Cayuna at Jasmine Nabor sa pagtitimon ng plays sa loob ng court para biguin ang tropa ni MVP of the Conference Myla Pablo na Pocari Sweat.

Sa Battle for third place, naka-una ang Creamline nang walisin sa tatlong sets din ang Hair Fairy Air Force 25-16, 25-21, 25-19.