Pulis na nanggulpi ng matanda nasa ‘hot water’

By
924

Nasa “hot water” nga­yon ang isang pulis-Maynila makaraang mahuli sa closed circuit television (CCTV) habang ginugulpi ang isang walang kalaban-labang matandang lalaki sa Paco, Maynila.

Kumalat sa social media, na nai-post ni Dennis Javar, ang nasabing pangyayari na ikinagalit ng mga netizens na nakapanood nito.

Base sa inisyal na imbestigasyon, naganap ang insidente sa isang kalye sa nasabing lugar noong na­kalipas na Enero 10, kung saan nakitang naglalakad na pasuray-suray ang ama ni Javar nang makasalubong ang off-duty na suspek na si PO1 Leo Tupaz.

Dito ay itinulak ng suspek ang biktima dahilan upang matumba ito hanggang sa simulang pagsusuntukin sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Hindi pa nakuntento ang suspek ay kumuha ito ng halaman na nakalagay sa paso at ibinagsak sa mukha ng biktima.

Isang babae naman ang nakitang sumaklolo sa biktima at pilit na ina­awat ang nasabing pulis, subalit nagpatuloy ito sa pananakit sa biktima. Nakita pa sa CCTV na may dinampot ang suspek na malaking bagay na tinangkang ibagsak sa nakalugmok na matandang Javar.

Makaraang marami ang nakakita sa nasabing pangyayari ay agad na sinaklolohan ang biktima at dinala sa ospital kung saan ito nagtamo ng su­gat sa ulo, mukha at sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Serious physical injury ang nakatakdang ihain ng biktima laban sa nasabing pulis sa Manila Police District (MPD).

Samantala, nakatakda ring maghain ng kontra-demanda ni Tupaz dahil sa nasaktan din umano ito.


  • tolits63

    mga netizen HUWAG KAYO MANGHUHUSGA NG HINDI NINYO ALAM BUONG PANGYAYARI….LASENGO YANG MATANDA AT LAGI NA LANG MINUMURA ANG PULIS ,,PAMINSAN MINSAN MAWAWALA KA SA ISIP MO SA SOBRANG MURA NG HAYUP NA MATANDA,,,KAYA INGAT LANG SA PAG POPOST..