Pulis may K manghuli ng nagyoyosi

By

May karapatan o kapangyarihan ang mga miyembro ng Philippine National Police (PNP) na ipatupad ang paghuli sa mga lalabag sa kalalagda pa lamang na ­Executive Order 26 o ang pagbabawal ng paninigarilyo sa mga pampublikong lugar at mga enclosed places.

Ito ang nakasaad sa probisyon ng EO 26 na hindi lang ang panini­garilyo sa mga pampublikong lugar ang dapat na hulihin.

Saklaw din sa dagdag responsibilidad ng mga pulis ang tutukan ang mga establisimi­yento, mga retailer stores at maging mga kilalang ‘takatak boys’ na magbebenta ng sigarilyo sa mga menor de edad.

Maliban sa mga kagawad ng PNP, binibigyang direktiba rin ang Task Force Smoke-Free ng bawat munisipalidad at lungsod na ipatupad ang nabanggit na EO.

Batay sa probisyon ng Republic Act 9211, mul­tang P5,000 o pagkakulong ng hindi hihigit sa 30 araw ang magiging parusa sa sinumang lalabag sa nilagdaang exe­cutive order na ipatutupad sa buong bansa.