Priority ang OFWs

By

May definite timetable pala si President ­Rodrigo Duterte sa pagtatayo ng isang OFW ­affairs department na, of course, ay manganga­ilangan ng isang batas.

Ayon sa Pangulo, “in a few months” ay matatayo na ang nasabing OFW department upang mas mapangalagaan ang kapakanan ng OFWs ­tulad ng pagpapabilis ng processing ng docs. nila from six weeks to three weeks.

At least six ang pa­nukalang batas na naka-­pending sa House of Representatives para sa pag-create ng isang OFW department as of the end of 2016.

It is safe to ­assume na may counterpart measures sa senado ang OFW department bills sa House. Sa May 2 magre-resume ang ­sesyon ng Kongreso at ito ay magtatapos ‘sine die’ sa June 2.

Urgent measure

So, the question is can both the ­Senate and the House of ­Representatives pass a law in ­creating an OFW ­department?

I think so kung sesertipikahan ng palasyo na urgent ang legislative measure at malinaw naman sa pronouncement ng Pangulo sa Bahrain na priority niya ang OFW concerns.

Sa kanyang pagharap sa may 4,000 OFWs sa Bahrain, ­binigyang-diin ng Pangulo na tatapusin niya ang corruption sa gobyerno gaya ng ­ginawa niyang pagsibak sa ilang opisyal nito kamakailan.

Warm welcome

As expected, mainit ang naging ­pagtanggap ng OFWs kay ­President Digong hindi lang sa Bahrain kundi pati sa Saudi Arabia at Qatar kung saan nagsagawa siya ng state visits.

Ilang runaway ­OFWs na napauwi ng Pangulo sa Saudi ang kasamang sumalubong sa chief ­executive pagdating ­niya sa airport sa Pilipinas.

Sa paglaban sa ­corruption, dapat ay maging matapang ang OFWs, ayon sa ­Pangulo, lalo na sa pag-assert ng kanilang karapatan sa immigration at customs.

***

Come follow me On Twitter @beeslist or call 551-5163 or email usapang_ofw@yahoo.com for your comments and questions.