PINOYS PUPUKPOK SA LE TOUR

By
98

LEGASPI CITY — Maagang lumilitaw na four-cornered fight para sa individual title sina Mark Galedo at Rustom Lim ng 7 Eleven Road Bike Philippines, George Oco­ner ng Philippine National Cycling Team at Frenchman Thomas Lebas­ sa 8’s Le Tour de Fili­pinas 2017 na palansa­ngan na mamaya sa Embarcadero pro­menade area ng Albay capital dito hanggang Sorsogon City.

Target ni Galedo, 31, na muling masungkit ang titulo tapos noong 2015. Gayundin si Lebas ng Kinan Cycling Team-Japan na unang namayagpag noong 2015 bago sumemplang sa pagsalpok sa nagkampeong Kazakhstani at hindi natapos ang karera noong huli.

Isa sa inaabangang nakakalendaryong Asia Tour races na taun-taon, inorganisa ni Ube Media, Inc. president at LTdF Local Organizing Committee chairperson Donna May Lina ang 4-day bikathon.

“Gusto kong manalo ulit, ‘yun talaga ang mis­yon ko,” ani Galedo na kapapadyak lang sa He­rald Sun Tour noong Feb. 1-5 sa Melbourne, Australia.

Pinaalalahanan ni team director Ricardo Rodriguez na magtulu­ngan lang ang dalawang local teams laban sa 13 foreign squads.

Sinabi naman ni national coach Bert Oco­ner na hinog na ang kanyang anak na mangunguna sa five-man Nationals. Kasama ni George sina second generation cyclists John Renee Mier at Jerry Aquino at sina Boots Ryan Cayubit at Mervin Corpuz.

Hatid ng Air21 katuwang ang Petron at UPS bilang principal sponsors at official airline Philippine Airlines, binabak-apan din ito ng Petron, UPS, Philippine Air Lines, Advanced Solutions Inc., Cargohaus Inc. CCN Sports Philippines, IWMI, NMM Customs Broker, Phenom Sportswear, UFL Philippines at WARM.