Pinay archers pasiklab sa Argentina

By

Nagtumba ng tigalawang oposisyon sina Nicole Marie Tagle at Charmaine Angela Villamor sa 9th World Archery Youth Championships 2017 sa Jockey Club Rosario/Monumento a la Bandera Santa Fe, Rosario, Argentina.

Lumagak na 11th seed mula sa 94 entries sa 653 points sa qualifying round ang 2017 Malaysia Southeast Asian Games silver medalist na si Tagle, 15.

Nag-bye siya sa Olympic opener, saka inalpasan sa second-quarterfinals sina 54th seeded­ Ukrainian Polina Zhuk 6-0 at kababayang si Villamor 7-1, bago nakalos ni sixth seeded Japanese Ruka Uehara 0-6 para tumapos ng 14th place overall.

Unang tinabas ni Villamor si Anna Porkhomenko ng Ukraine, 6-4, saka inuga si 22nd seeded­ Spanish Ines de Velasco Martinez, 6-2, bago napigil ni Tagle at pumuwesto sa 29th.