Pilot testing

By

Yup, excited talaga­ ang OFWs sa bagong launch na iDOLE OFW ID card, kahit na may ilan tayong readers na nagsabing hindi sila pabor sa nasabing ID.

Pero sabi nga you cannot please everyone, but suffice it to say that most of the OFWs who send email, call us or talk to us are in favor of the OFW ID.

Bakit naman hindi?

Pabibilisin ng OFW ID ang pakikipagtransaksyon ng OFWs sa mga ahensya ng gobyerno bukod pa sa ipapalit ito sa one-time-use only na overseas employment certificate (OEC).

Trouble-free

Sa mga gusto nang mag-avail ng iDOLE ID, wait lang po at isasalang ng Department of Labor sa three-month pilot test run ang ID para masiguradong hitch at trouble-free ang magi­ging implementasyon ng programa.

After all, nasa 2.5 million ang OFWs sa kasalukuyan kaya dapat talagang plantsado ang issuance ng ID para walang bulilyaso tulad halimbawa nang pag-avail ng travel tax at terminal fee exemptions.

Mag-iisyu rin ng guidelines ang DOLE sa kung papaano pwede mag-avail ng iDOLE OFW ID. Sa earlier pronouncement ng DOLE ay automatic daw na bibigyan ng iDOLE ID ang lahat ng OFWs.

Two-year validity

Sa launch ng iDOLE ID sa Malakanyang, sinabi ng DOLE na two years ang magiging validity ng ID na more or less ay pasok sa karaniwang two-year labor contracts ng OFWs.

I bet na eventually ay iku-consider ng DOLE na i-extend ang validity ng ID sa limang taon tulad ng ginawa ng Department of Transportation sa driver’s licenses.

Gamit ang OFW ID, maaari nang i-access ng OFWs ang kanilang electronic records online nang hindi na kailangan pa nila magpunta sa concerned agencies ng go­vernment.

Online access

Ito ay walang pinagkaiba sa online download ng members’ records na ginagawa na rin ng SSS, GSIS at PhilHealth among other government agencies.

Ang iDOLE ID ay magkakaroon ng security features at ito ay nakarehistro sa DOLE cloud server kung kaya mahirap mapeke.

What more, ide-deli­ver daw ng DOLE ang ID sa mga OFW saan man sila naroroon, sa Pilipinas o sa ibang bansa. That’s what you call public service.

Follow me on Twitter @beeslist or call 833-0785 or email usapang_ofw@yahoo.com for your comments and suggestions.


SHARE
Previous articleMATEO 10:24-25
Next articleTulog binistay ng bala