PHL U17 girls squad nanalasa sa Australia

By

Dumeretso sa pitong pananalasa ang Philippine girls 17-under softball team kahapon sa patuloy na nagbabaga pa rin nitong hambalos sa 10th Pacific School Games 2017 sa Adelaide Shores Diamond 5 sa West Beach, Adelaide, Australia.

Kahit natalo sa Pilipinas, masaya pa ring nagpalitrato ang Queensland Softball Team tapos ng laban sa 10th Pacific School Games 2017 sa West Beach, Adelaide, Australia.
Kahit natalo sa Pilipinas, masaya pa ring nagpalitrato ang Queensland Softball Team tapos ng laban sa 10th Pacific School Games 2017 sa West Beach, Adelaide, Australia.

Pinakabagong nilista sa humahabang biktima ng Nationals ang Australian Capital Territory, 4-0, sa isa lang na laro tapos ang tigalawang laban sa loob ng tatlong araw mula noon pang Linggo hanggang nitong Martes.

Martes ng umaga nang maitakbo ng PHL squad ang 4-3 desisyon kontra Western Australia sa Diamond 7, kinaldag na muna nila sa umaga ang Queensland, 8-0.

Lunes nang ipagdedemolis ng mga Filipina ang New South Wales, 1-0, at ang Victoria, 6-1.

Linggo naman nang ipagdidis­mantel ng mga Pinay ang South Australia, 6-0, at ang India, 15-0.

Sunod mamaya sa bansa uli ang Victoria sa umaga at sa hapon ay ang South Australia.

Nabuo sa Phl lineup ang mga kumopo ng silver medal sa ginanap na World Series noong Agosto sa Estados Unidos.

Walo sa 12 softball players ay taga-Negros Occidental, tatlo ang mula sa Metro Manila at isa ang buhat sa Region 3.