PHELPS VS SHARK: RACE IS ON!

By

Hindi kinaya ng humans na sabayan sa pool si Michael Phelps, paano kaya kung isang pating o shark na ang makakatunggali niya?

Sa shark-like instincts ni Phelps ay kumampay ang American sa record 23 Olympic gold medals sa swimming. Pero may ibubuga kaya siya sa actual shark?

Masasagot ‘yan sa ‘Shark Week’ television program ng Discovery Channel sa season-opening episode nila sa July na ‘Phelps vs. Shark: Great Gold vs. Great White.’

Hahamunin ni Phelps sa languyan ang isang pating.

“The world’s most decorated athlete takes on the ocean’s most efficient predator. Phelps V Shark – the race is on!” bahagi ng Discovery Channel release.

Nasa ‘Shark Week’ finale rin ang 31-anyos na swimmer, sasamahan ang experts sa ‘Shark School’ para ituro sa Olympic great at TV viewers kung paanong ligtas na mag-dive o makipaglangoy sa sharks, ‘including how to stay calm when a hammerhead swims two feet above his face.’