PBA: Meralco masusukat sa NLEX

By

Mga laro ngayon (MOA Arena)
4:30 p.m. — Kia vs. Rain or Shine
6:45 p.m. — NLEX vs. Meralco

Itinuturing ng Meralco na acid test ang NLEX sa pagpapatuloy ng PBA Governors Cup na magbabalik mula sa dalawang playdates na pahinga.

Sa salpukan sa Mall of Asia Arena mamaya, tatangkain ng league-leading Bolts (4-0) na kuryentehin ang panlimang sunod na panalo laban sa sister-team Road Warriors (4-1).

“Our game versus NLEX will be a big test for us because they have been playing well,” komento ni Norman Black sa bisperas ng bakbakan.

Nalagot ang four-game run ng Road Warriors nang itaob ng Ginebra 110-97-110 sa Pangasinan out-of-town game noong isang Sabado.

“Also it doesn’t help that Cliff Hodge will miss the game because of a sprained ankle he sustained last game versus KIA,” hirit ng Bolts coach. “We will have to make adjustments on defense and do a good job on the boards to have a chance of slowing down the high-scoring, fast-paced Road Warriors.”

Markado naman ni NLEX coach Yeng Guiao ang import ng Bolts na si Allen Durham.

“Maganda inilalaro ng Meralco, iyung import nila maganda rin inila­laro. Best Import pa iyon,” wika ng Road Warriors chief tactician.

“So sabi ko nga, the energy, the awareness that we should always outwork the other team, those are the things in us that will be tested, not only against Meralco, but in all of our next games. Tingnan natin,” panapos ni Guiao.

Sa first game ay magtatagpo ang Kia (0-5) at Rain or Shine (1-2).