PBA: Last bus hahabulin ng Phoenix

By

Mga laro ngayon (Ynares Center, Antipolo)
4:15 p.m. – Rain or Shine vs. Phoenix
7:00 p.m. – TNT vs. NLEX

Mukhang hindi pa tapos sa pakikipag-trade ang Phoenix.

“Gives us more options and ammunitions for future trades,” lahad ni Fuel Masters coach Ariel Vanguardia. “We are still hoping we can catch the last bus for this conference.”

Sa deals sa pagitan ng Meralco at TNT na na-finalize ng PBA noong Lunes, nakakuha ang Phoenix ng tig-isang picks sa 2017 at 2019 drafts mula Bolts at KaTropa.

Maghaharap ang Phoenix (2-7) at Rain or Shine (4-3) ngayon sa dayo ng PBA Governors Cup sa Ynares Center sa Antipolo.

Sa second game, magpapang-abot ang NLEX at TNT na parehong naghahabol ng top four finish na twice-to-beat sa quarterfinals.

Kabuhol ng NLEX ang Ginebra sa tuktok sa 7-2, aambusin ng Road Warriors ang eighth win para makasiguro sa bonus.

TNT ngayon, tatapusin ng Road Warriors ang 11-game eliminations kontra Star sa Sept. 24.

Umaasa si NLEX coach Yeng Guiao na papabor sa kanila ang pagkawala ni Ranidel De Ocampo sa TNT na nai-trade sa Phoenix at lumanding sa Meralco.

“We hope the RDO trade is going to create some adjustment issues that can work to our advantage,” lahad ni Guiao.

Ang nine-time All-Star at six-time champion sa eight seasons sa TNT na si RDO, 35, ay ibinigay sa Fuel Masters kapalit ng rights kay Norbert Torres at 2017 first-round draft pick. Nakuha ng TNT sina Justine Chua at Torres mula Meralco via Phoenix.


SHARE
Previous articleJoyce, nabawasan ng 15 pounds
Next articleLUCAS 6:18-19