Paulo bagsak-presyo ang TF

Joanna Ampil mahirap talunin sa MMFF best actress

By

MAGANDA ang feedback sa pelikulang Ang Larawan na nagpa-special screening sa Promenade­ kahapon ng umaga.

Magagaling ang performers lalo na si Joann­a Ampil na gumanap bilang si Candida.

Pero nasorpresa­ kami kay Paulo Avelino na nagampanan niya nang maayos ang role bilang si Tony Javier.

Karamihan naman sa atin siguro ay aware sa kuwento ng Portrait of the Artist as Filipino o Ang Larawan ni Nick Joaquin. At mahalaga ang role ni Tony Javier­ na dating ginampanan sa entablado ng mga maga­galing nating aktor gaya nina Phillip Salvador at Ricky Davao.

Pero mas malaking challenge ito kay Paulo­ dahil kailangan pa niyang kumanta at tumugtog ng piano. Nagpaha­yag si Paulo na dream niya talagang maging bahagi ng classic­ stage play na ito, at natupad naman, pero sa pelikula.

“I felt it was too early to do a musical, pero sinabihan ako ng manager ko to audition. Sinu­werte naman ako,” sabi ni Paulo.

Kaya nag-adjust siya sa ta­lent fee dahil gusto talaga niy­a itong gawin. Sabi nga niya sa interview kahapon, painting daw ang talent fee niya sa pelikulang ito.

Sabi naman ng manager niyang si Leo Dominguez, talagang­ special price daw ang binigay nila rito sa Ang Larawan­ dahil gusto raw talagang gawin ni Paulo.

Kaya kahit halos araw-araw ang taping, sinisingit niya­ sa schedule ang shooting­ nito.

Tamang-tama naman, may mga eksena siyang la­sing o kaya puyat, at nagampanan niya nang mabuti dahil lagi naman siyang walang tulog dahil mula sa magdamagang taping, diretso na siya sa shooting ng Larawan.

“Totoo dun ‘yung lalim ng eyebags ko,” sambit ng Kapamilya actor.

Hindi lang siya nag-shooting­ na kung saan nagmemorya ng mga linya niya, kundi nag-voice lesson pa siy­a at nag-aral ng ­piano dahil kailangan niyang sumabay sa magagaling kumanta na sina Joanna­ Ampil at Rachel Alejandro.

Kahit medyo hirap, na-enjoy nang husto ni Paulo ang paggawa ng Ang Larawan dahil marami siyang natutunan at nagawa niyang kumanta nang maayos sa shooting.

“Kailangan kasi, pitch perfect. Si Ms. Celeste Legaspi (isa sa producers), alam agad niya­ ‘pag wala sa pitch eh. Salamat at naitawid ko naman,” sabi pa ni Paulo.

Excited si Rachel na kinuwento sa aming hahabol daw si Joanna sa awards night ng MMFF sa December 27 dahil galing pa ito sa Amerika­ mula sa performance niya sa Broadway na kung saan bahagi siya sa musical­ play na Cats.

Magaling naman ta­laga si Joanna sa pelikulang iyun, na mukhang mahirap siyang talunin ng ibang aktres sa Best Actress category.