Partisipasyon ng mga Kabitenyo sa kampanya kontra droga mas lalong pinalawak

By

Noong buwan ng Hul­yo ay naitalaga ako bilang Interim National President ng National Tokhang Advocacy Council (NTAC) para sa buong Region IV-A o CALABARZON.

At mula nang ako ay manungkulan, naging prayoridad ko sa aking mga programa ang pagmumulat, pagpupukaw at pagbibigay edukasyon sa mga Kabitenyo hinggil sa ating kampanya kontra-droga.

Batay sa Republic­ Act 9165 na mas kilala­ sa tawag na Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, inilabas ng DILG ang Memo Circular No. 2016-116 noong ika-2 ng Setyembre taong 2016 sa lahat ng mga lokal na pamahalaan ng bansa­ para ipatupad ang programang MASA MASID o Mamamayang Ayaw sa Anomalya, Mamamayang Ayaw sa Iligal na Droga.

Ito ay isang community-based program na layu­ning tipunin ang lahat ng mga mamamayan na magboluntaryo sa pagsugpo sa kriminalidad, korapsyon at ilegal na droga.

Ang MASA MASID ay isang multi-sektoral­ na programa at target na mapakilos ang malawak na hanay ng mamamayang binubuo ng mga kabataan, kababaihan, taong-simbahan, propesyunal at mga kawani ng gobyerno para puksain ang talamak at laganap na ilegal na droga sa kanilang lugar.

Nanga­ngailangan ding mabuo ang UBAS o ang Ugna­yan ng Barangay at Simbahan upang pagkaisahin ang mga namumuno sa barangay at mga relihiyoso sa pamayanan.

Kaya naman, mas lalong pinaigting ang kampanya kontra-droga kasama ang iba’t ibang NGOs, socio-civic organizations, religous group, youth and women groups at mga boluntaryong indibidwal sa lalawigan ng Cavite. Inilunsad ang Community Mobilization Project and Coalition of Force Multipliers and Community-based Advocacy Groups sa pangu­nguna ng Lokal na Pamahalaan ng Lalawigan at Liga ng mga Barangay. Nilahukan ng may higit­ pitong libong Kabitenyo­ ang dumalo kasama ang PNP, AFP at iba pang ahensya ng gobyerno.

Ang Lungsod ng Bacoor naman ay agad na tumugon sa panawagang ilun­sad ang MASA MASID. Bukod dito, nagkaroon naman ng 45-days Community-Based Rehabilitation Program sa pangunguna ng ina ng lungsod na si Ma­yor Lani Mercado Revilla.

Hindi maitatago ng mga Kabitenyo ang malasakit at pagmamahal natin sa isa’t isa.

Ang pagpapahalaga sa buhay ng bawat pamilyang Kabitenyo ay nasa puso ng bawat isa sa atin. Kaya para sa inyong mga Kabitenyong galit sa droga at mahal ang buhay, KAYO ANG IDOL KO!

Napatunayan na sa kasaysayan na kapag ang mga Kabitenyo ay nagkaisa at kumilos, tiyak na magtatagumpay ito.

Kaya naman, sa lalawigan ng Cavite, naniniwala akong masusugpo rin natin 100% ang kri­minalidad at droga dahil sa NAGKAKAISANG CAVITE, WALANG IMPOSIBLE!