Pari sumuporta sa Oplan Tokhang revisited

By
862

Todo-pasalamat si PNP chief Director Ge­neral Ronald dela Rosa nang malaman na may mga pari na handang makiisa at nais tumulong sa Oplan Tokhang revisi­ted ng PNP.

Ito ay matapos ang puspusang paghikayat sa mga kasapi ng religious groups lalo na ng Simbahang Katolika na makilahok sa kanilang bagong lunsad na Oplan Double Barrel Reloaded para hikayatin ang mga drug suspects na huwag nang manlaban sa mga awtoridad at sa halip ay sumuko.

Gayunman, hindi muna pinangalanan ni Dela Rosa ang tinukoy niyang pari pero lubos na ikinagalak ng PNP na may taong simba­han na ngayon ang nais nang tumulong na sumagip ng maraming buhay.


  • Emarhu

    Alam ko yan kung sinong Padre yan, yan si Faura.