UAAP Final Four: 

UAAP | Parehong mukha, parehong resulta?

By

“We excuted our game plan,” diin ni La Salle head coach Aldin Ayo na susi ng kanilang 79-76 panalo kontra Ateneo Linggo ng hapon sa UAAP Season 80 sa Smart Araneta Coliseum.

Parehas lang ang top four noong nakaraang season at ‘yung ngayong taon, sila-sila rin. Pinagkaiba lang ay ‘yung puwestuhan.

Noong Season 79, No. 1 ang La Salle, No. 2 ang Ateneo, No. 3 ang FEU at No. 4 ang Adamson. Parang inulit lang pero magiging parehas kaya ang resulta?

Nagkapalitan ngayon: top ang Eagles, sunod ang Archers, Falcons at Tamaraws.

Nagtagpo ang Archers at Eagles sa title series noong isang taon, iniuwi sa Taft ang tropeo.

Paliwanag ni Ayo: “Ateneo is kind of different from last year. They were 13-0, now they’re 13-1 but still they are the number one team based on the standings.”

“They did a good start but for us we’re fitting on them right now.”

Tinalo ng Ateneo ang La Salle sa first round.

Marami raw distractions ang DLSU sa first round, pero naipagpag at nakapag-focus sa second round game.

Sa Sabado mag-uumpisa ang best-of-three semis sa Smart Araneta Coliseum. Green Archers at Soaring Falcons sa isang pairing, Blue Eagles at Ta­maraws sa kabila.