PAMILYA UBOS SA WARRANT

By

Naging madugo ang pagsisilbi ng warrant of arrest ng mga awtoridad sa isang lalaking nahaharap sa kasong frustrated murder matapos na humantong sa engkuwentro ang operasyon kahapon ng madaling-araw sa Tubod, Lanao del Norte.

Sa inisyal na report na ipinarating sa Camp Crame, bandang alas-kwatro ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa Purok 6, Barangay Taguranao.

Napag-alamang isisilbi ng mga pulis ang warrant of arrest sa kasong frustrated murder laban sa isang Bevinido Laride, pero bago pa makaporma ang mga pulis ay sinalubong na umano sila ng putok ng baril kaya gumanti umano ng pu­tok ang mga kagawad ng pulisya.

Ilang minuto matapos ang palitan ng putok ay nakita ng mga pulis na isang lalaki na sina­sabing kabarilan ng mga pulis ang humandusay sa sahig kaya pinasok na ang bahay.

Napag-alaman na ang lalaking napatay ay ang target ng warrant of arrest na si Laride.

Nang inspeksyunin ang bahay ay tumambad sa mga pulis ang isang mag-inang kapwa duguan at wala na ring buhay na kinilalang si Virginia De­libo at anak nito.

Si Delibo at ang baby na nasawi ay ang mag-ina ni Laride na nadamay sa naganap na palitan ng putok.

Nagsasagawa nga­yon ng masusing imbes­tigasyon ang mga awtoridad sa insidente.