Palpak na Yolanda rehab hamon sa TF Bangon Marawi

By

Apat na taon na ang lumipas mula nang hambalusin ng super typhoon Yolanda ang Eastern Visayas region pero hanggang ngayon ay kulang na kulang pa rin ang ­effort ng government na mai-rehabilitate ang maraming lugar sa rehiyon lalo na ang Tacloban City.

Hanggang nga­yon kasi, ‘yung housing program para sa mga biktima ng nasabing bagyo, kulang na kulang. Pati na ang livelihood program, hindi maramdaman ng mga biktima ng bagyong Yolanda.

Ang daming ipi­nangako ng nakaraang administrasyon, pero karamihan nito ay napako lang dahil hindi naman nakapag-­deliver.

Kung mayroon mang naitayo na pa­bahay, mukhang tini­pid naman sa mater­yales at kayang-ka­yang tibagin kahit na ang bagyong hindi ka­singlakas ng Yolanda.

Malaking hamon ang hinaharap ng administrasyong Duterte sa rehabilitasyon ng Marawi City.

Kumbaga, kailangan nilang magtrabaho nang husto upang huwag magaya sa nakaraang administrasyon na puro pangakong napako lamang.

Naniniwala naman si Ilocos Norte Gov. Imee Marcos na hindi matutulad sa Yolanda victims ang mga taga-Marawi City na biktima ng limang buwang giyera rito dahil sa determinasyon ng kasalukuyang administrasyon na maka-reco­ver sila sa lalong mada­ling panahon.

Kabilang si Imee Marcos sa tutulong sa TF Bangon Marawi, at kamakailan ay kanyang pinulong ang mga Ilocanong Muslim sa buong lalawigan para sa kung ano ang kanilang maitutulong para madaling maisa­gawa ang rehabilitasyon sa Marawi City.

Makikipag-ugna­yan din si Imee sa mga lokal na pamahalaan para higit na maisulong ang pagbangon ng mga residente sa Marawi City kabilang na ang gagawing pagbibigay ng ayuda ng kanilang grupo.

***

Marami ang natuwa sa mahabang bakasyon dulot ng 31st ASEAN Summit sa bansa.

Marami din ang luhaan dahil sa wala silang kita sa trabaho.

Isa na dito ang grupo ng mga driver na pumapasada sa Vito Cruz patungong ­Se­nate at GSIS. Ito ‘yung mga pampasaherong jeep na tinatawag na “orange” dahil puros kulay-orange ang jeep na pumapa­sada sa rutang ito.

Dahil naka-lockdown ngayon ang PICC complex, isang linggong walang pa­sada ang mga orange jeep. Isang linggo din silang walang kita para sa kanilang pa­milya.

Hindi naman kalakihan ang kinikita ng mga driver dito dahil naaagawan na rin sila ng pasahero ng naglipanang taxi pati na ang Uber at Grab.

Kaya siguradong hindi rin sila nakapag-ipon para sa panggastos ng kanilang pamilya sa isang linggong walang pasada.

Ilan nga daw sa mga driver, nagbakasyon muna sa kanilang probinsiya sa buwisit.