Pagtatapat ng Vilmanian-Sharonian:

Nora, pinakadakilang aktres ng bansa

By

BAGO naging silent Sharon Cuneta fan ang diva that you love, lumaki ako sa isang household kung saan majority of my titas are Vilmanians.

Yes, oh yes, from my late paternal grandmo­ther at aking mga titas, lahat sila eh Vilma Santos fans.

Ang nanay ko lang ang Noranian.

Kaya noong wonder years ko, ang mga una kong pelikulang napanood ay Lipad, Darna, Lipad, Tag-ulan sa Tag-araw, Darna and the Giants, Darna and the Planet Women at Darna at Ding.

Sa sobrang takot ko kay Ms. Gloria Romero bilang Babaing Impakta, lumusot ang mura kong katawan sa silya at naipit ako. Mo­delong Tanso ang pinanood ko at hindi Ina Ka Ng Anak Mo.

Para sa akin, deserve ni Santos ang kanyang first grandslam trophy para sa Relasyon at pakiwari ko, masyadong pan-teatro ang performance ni Aunor bilang Elsa sa Himala.

***

Naging PR Assis­tant ako sa Metropolitan Theater noong mga pana­hong may VIP rito kaya

Nora Aunor
Nora Aunor

tuwing Biyernes, bago umuwi, pinapanood muna naming taga-PR at Production Department ang show ni Ate Vi.

Ang kadakilaan at husay ni Nora Aunor bilang aktres, napagtanto at na-appreciate ko na lang noong naging project development officer ako sa NCCA kung saan sa Commitee on Ci­nema ako assigned.

Dahil sa Pelikula at Lipunan Film Festival na fully funded by the NCCA Committe on Cinema at naging Filipino film appreciation mentor ko si the late Professor Joven Velasco, saka lang ako nakapanood ng mga pelikula ng Superstar.

Si Professor Joven ang nagpakita sa akin ng strengths ni Aunor bilang aktres.

***

Just like my fascination and admiration with Ate Sha­wie, from afar at silent fan din ako ni Ate Vi.

Twice ko pa lang siya nakakadaupang palad at sa mga press payanig pa.

Sa tuwing mang­yayari yun, super starstruck ako.

Ni hindi ako nagkalakas ng loob na magpakuha ng larawan na kasama siya. Lagi siyang graciosa, naka­ngiti at perfect ang styling.

Sa totoo lang, sila ni Sharon, kahit pa alam kong they don’t even know I’m alive, ke­ribels lang.

Ang paghanga ko sa kanilang pagka-aktres at pagmamahal bilang tagahanga ay walang kapantay.

At kahit certified Vilmanian at Sharonian ang inyong diva, hindi makitid at sara ang pag-iisip ko sa katotohanang si Nora Aunor ang pinakadakilang aktres ng Pili­pinas.

***

Nag-uumapaw ang a­king ga­lak. Ka­si, si Ate Vi, bilang congresswoman ng sixth district of Batangas, balita sa isang online pink ma­gazine, “Santos-Recto filed a bill that highlighted the absence of government mechanism or intervention direc­ted to monitor, let alone address, the incidents of discrimination, prejudice and even violence against the Filipino LGBT community.”

Para maremedyuhan ang kakulangang ito, ang bill na ipinasa ni Congresswoman Recto ay ang House Bill No. 2952, eyes to establish LGBT help and protection desks in all Philippine Natio­nal Police (PNP) stations nationwide.

Ano pa ba ang masasabi ko sa filing of this bill kundi salamat Congresswoman Vilma Santos-Recto.

Magka-first, second at final reading nawa ito at maisabatas.


SHARE
Previous article‘Di tao, ‘di hayop
Next articleLowhorn out, Forte in
  • Aphetsky Lasa

    Gina Pareno ako!

  • Dimple Gallego

    Makikita sa mga panulat ng isang movie reporter kung saan siya bias. At nakikita sa mga panulat ni Alwyn Ignacio na Noranian siya from the very start. Magpakatotoo lang po tayo.

  • Dimple Gallego

    Huwag pong gamitin si Vilma Santos para lang marami ang magbasa ng article mo. There’s no such thing as Vilmanian pero si Nora Aunor ang palaging pinupuri sa mga panulat. Maraming balatkayo sa showbiz at kahit sa mga movie reporters cum writer. Hindi ako naniniwalang may Vilmanian na magsasabing si Nora ang greatest actress. Para ding walang Sharonian na magsasabing mas magaling na aktres si Maricel Soriano. Ay naku! Pakipulot nga ang kredibilidad sa lupa Mr. Alwyn Ignacio. Magsama na lang kayo ng nanay mo.

  • Sharon dakilang orocan hahaha

  • catgurl07

    Vilmanians attack , durugin natin toh nag kukunyaring vilmanian lol …

  • lawrence

    die hard noranian sha.. kunwari lang vilmanian yan. kasi true vilmanian will state the fact that vilma can do any roles making her the greatest actress compared to nora’s one sided role.

    • catgurl07

      #bitter #respect

  • Agi

    kala ko die hard ka ni Nora.

    • Dimple Gallego

      Ano pa! Noranian siya. Ginagamit lang niyang panangga si Vilma.