Pagsusuot ng sapatos sa mosque sa Marawi ni PDu30 idinepensa

By

Nagpaliwanag si Pa­ngulong Rodrigo Duterte kaugnay sa ginawa nitong pagsusuot ng sapatos nang bumisita sa isang mosque sa Marawi City nitong Lunes, Setyembre 11.

Ang naturang eksena ng Pangulo ay umani ng batikos sa netizens.

“‘Yung nakita na nila puro rubbles ang glass eh. And ano, para ka matinik? Ano ‘yan? Papa-tetanus ka na naman?”ani Duterte sa panayam ng media sa Taguig City nitong Set­yembre 12 ng gabi.

“When you are old, the healing is very, very slow. Kaya kami takot matumba because kung ma-fracture, ganu’n,” paliwanag pa nito.

Binigyang-diin ni Duterte na hindi nila puntiryang bastusin o hindi igalang ang Islam.

Inabisuhan, aniya, sila na magtago sa mosque para sa kanilang safety. “Before anything else, it is the right to preservation. Kaya lang kami doon nag-standby, kay ayaw man rin ng ground commander doon, nandoon kami sa ano, pumuputok. Ako, gusto ko tignan, sabi niya, “Huwag, diyan ka lang,’” dagdag na paliwanag nito.