Pagmamahal

By
272

Sa okasyon ng Rizal Day celebration noong December 30, kapansin-pansin na binigyan ng emphasis ni President Rodrigo Duterte ang overseas Filipino workers (OFWs).

Why not? After all, maituturing si Dr. Jose Rizal bilang isa sa mga original na OFWs dahil naging tanyag na opthalmologist o eye doctor si Rizal sa Hong Kong (HK).

In fact, matapos mag-train sa ilalim ng isa sa pinakasikat na eye doctor sa Europe, si Dr. Louis de Wecker, nagtayo si Rizal ng eye clinic sa HK, kung saan niya isinagawa ang isa sa tatlong eye operations sa kanyang ina.

Option, not necessity

Sa kanyang speech noong Rizal Day, sinabi ni President Duterte na napa­kahalaga na mapaganda ang ekonomiya at business environment ng Pilipinas upang makalikha ng maraming lokal na patrabaho.

Napaka-pragmatic ng statement ng Pangulo — na kung may sapat na patrabaho sa Pinas, ang pagtatrabaho sa abroad ng mahigit 2.5 milyong Filipino ay magiging “option” na lang in the future at hindi “necessity” gaya ng umiiral sa kasalukuyan.

It’s clear for all to see na may special place ang ­OFWs sa kasalukuyang administrasyon. Kitang-kita iyan sa speeches at aksyon ni President Duterte.

Noli Me Tangere

Nandyan ang pagsawata ng gobyerno sa tanim-bala scam sa airports, pagtanggal sa red tape sa OFW documents processing at planong pagtatayo ng isang OFW Department.

In a way, masasabing buhay na buhay ngayon ang patriotic fervor o pagmamahal sa bayan na siyang nagtulak kay Dr. Rizal na talikuran ang kanyang opthalmic practice sa HK.

Sa kanyang pag-uwi sa Pilipinas matapos malat­hala ang Noli Me Tangere, alam na noon ni Rizal na sasalubungin niya ang ngitngit ng mga prayleng Kastila, na eventually ay nagsabwatan para bitayin si Rizal sa Luneta.

Firing squad

Ayon sa historical accounts, sa sobrang bilib kay Rizal ng isang Portuguese physician na si Dr. Lorenzo Marquez ay ini-refer niya ang lahat ng kanyang eye patients sa ating National Hero.

In all, kumita raw si Rizal ng P5,000 bilang eye doctor, halagang napaka­laki noong panahon na iyon lalo pa’t marami siyang charity patients.

In the end, kung ang pagmamahal sa kanyang ina ang nagtulak kay Rizal para maging eye doctor, hindi nagdalawang-­isip si Rizal na umuwi ng Pili­pinas at humarap sa firing squad dahil sa kanyang pagmamahal — Pagmamahal sa Inang Bayan.

Come follow me on Twitter @beeslist or call 551-5163 or emailusapang_ofw@yahoo.com for your comments and questions.