Pagdusahan ang kasalanan


Dear Sir/Maam:

Sa artikulo na pinamagatang “19 NDF Consultant join Hunger Strike”, ang masasabi ko dito ay ginagawa ng ating pamahalaan at ng CPP ang pag-uusap tungkol sa pagpapalaya sa mga political prisoners kagaya ngayon may pinalaya na namang apat na may kasong kidnapping at murder.

Dito natin makikita na seryoso ang ating Pangulo Rodrigo Duterte sa usapang pangkapa­yapaan at sa pagpapalaya sa mga political prisoners. Sa katunayan marami ng nakalaya at bago maganap ang pang-tatlong Peace Agreement ay makakalaya na ang mga ibang nakakulong.

Hay salamat? Sana nga makalaya na sila upang sa ganon matapos na ang kaguluhan sa ating bansa, at nang sa ganu’n ay makamit na natin ang diwa ng kapayapaan at umunlad ang buhay na bawat Pilipino.

Lubos na gumagalang,

Albert Santiago
Bulacan

***

Dear Sir,

Bakit parang atat na atat ang rebeldeng Communist Party of the Philippines (CPP) na mapalaya ang mga political prisoners samantalang ginagawa naman ng pamahalaan ang lahat para sa usa­ping pangkapayapaan.

Sa ngayon nais nila palayain na agad ang 130 na poli­tical prisoners na tinanggihan naman ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil sasang-ayon lang siya sa nais ng CPP kung parehong panig ay magpapakita ng pinirmahan na dokumento.

Ang siste nga lang ang mga rebelde pa ang nagbabanta na kapag hindi pinalaya ang mga political prisoners ay malamang isara na rin ang usapin sa bilateral ceasefire. Hindi man lang inisip na may ligal pa itong proseso at kailangan pa ng panahon upang maisakatuparan.

Napaka lenient na nga ng ating gobyerno sa mga preso na kahit nagkasala sa batas ay binibigyan pa rin ng pagkakataon ng Pangulo na magkaroon ng amnestiya.

Sapat na rin siguro ang kagustuhan niya na palayain ngayong nalalapit na pasko ang mga matatanda at may mga sakit na nakakulong. Kung tutuusin iyang mga political prisoners ay may mga kasong murder at iba pang heinous crime kaya kung taong bayan ang tatanugin malamang ang isagot ay mabulok at pagbayaran nila ang mga kasalanan sa kulungan.

Francis M. Consulta


  • Abdul Bulbuldami

    Kung talagang sinsero ang makakaliwang grupo sa pakikipag ayos sa gobyerno dapat noon pa, at dapat walang kundisyon. Kaya, kayang murahin ng presidente yang mga yan?