P647M para sa ‘Maring’ victims

By

Nakahanda na ang lahat ng mga kinakailangang tulong para sa mga kababa­yang apektado ng bagyong Maring, ayon sa Malacañang.

“The national government, through our frontline disaster response agencies, remains on standby to ­respond and assist victims of Tropical Depression Maring in Regions I, II III, IV-A, V and NCR,” ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella.

Mayroon na aniyang 196,896 Family Food Packs (FFPs) ang DSWD na nakahandang ipamahagi at umaabot sa P577.7M ang standby funds sa DSWD Central Office, concerned Field Offices at National­ ­Resource Operations Center (NROC).

Nakahanda na rin, ­aniya, ang P20M ng Department of Health (DOH) para sa logistics ng Regions II, III, IV-A at V habang nasa P50M naman ang logistics sa para DOH Central Office.