P473M droga sinunog sa Cavite

By
146

Hindi na maibabalik sa lansangan ang higit sa P473 milyong halaga ng mga iligal na droga matapos itong sunugin sa Integrated Wastes Management Inc. sa Brgy. Aguado, Trece Martires City, Cavite.

Alas-10 ng umaga kahapon nang personal na saksihan ni Sen. Panfilo Lacson, na tumatayong Chairperson ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs, ang pagsunog sa mga nakolektang droga na mula sa iba’t ibang drug agencies na katuwang ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa giyera kontra droga.

Numero uno pa rin sa listahan ang metamphe­tamine hydrochloride o shabu na tumimbang ng hi­git sa 141,776 gramo sa kabuuang 329 kilo ng iba’t ibang klase ng droga.