P17.5M pekeng relo, sapatos, ukay-ukay sinamsam

By

Kinumpiska ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) ang mahigit P17.5 milyong halaga ng mga kargamento mula sa China na pinuslit sa Port of Manila matapos salakayin ang ilang establisimiyento sa Maynila at Laguna.

Ayon kay BOC Commissioner Isidro Lapeña, naglalaman ng mga pekeng G-Shock watches, sapatos, bigas, dalawang heavy equipment, ukay-ukay at iba pang mga ge­neral merchandize ang apat na shipment galing China.

Nalaman na naka-pangalan ang apat na kargamento sa ACC Trading na nakabase sa Tondo, Maynila; Alcambaras Trading Corporation sa Malate, Maynila; Melwinjay Trading sa Escolta, Maynila; at Pricewater Trading na may tanggapan sa Biñan, Laguna.

Ayon sa BOC, luma­bag ang mga consignee sa Section 1400 ng Customs Modernization and Tariff Act, Intellectual Property Law at Republic Act 4653 na nagbabawal sa pag-aangkat ng ukay-ukay.