Nagpapasaklolo sa gobyerno

OFW sa Jordan minamaltrato

By
478

Nanawagan ang isang overseas Filipino wor­ker (OFW) na dumaranas ngayon ng pagmamaltrato sa babae niyang amo sa Jordan.

Nagawang makahingi ng tulong sa TONITE ng biktimang si Josalyn O. Ombe, 35, taga-2336 Alabastro St., San Andres Bukid, Maynila matapos na palihim itong makapag-Facebook.

“Hindi nila alam na my phone akong gamit the.. Dala ko na to galing jan s pinas..,” mensahe ni Ombe.

Kinilala rin ni Ombe ang pangalan ng kanyang among babae na si Ahmed Saleem Marashdeh, taga-Madaba Amman, Jordan.

Nabatid na dumating si Ombe sa Jordan noong Nobyembre 30, para sa ikalawang beses niyang pagtatrabaho sa nabanggit na bansa sa ilalim ng World Class Inc. Agency.

Sinabi ni Ombe na mag-iisang buwan na siyang minamaltrato ng kanyang amo.

“Kinontack ko na ang embassy dito wala ding nangyare lalo lng ako na­pahamak kasi itinawag lang nila sa amo ko yung reklamo ko..,” ayon pa sa mensahe ni Ombe.

“Mag iisang buwan na nya ko pinahihirapan ng ganito.. Minumura dinuduraan hindi pinapakain ng sapat at walang sapat na pahinga..”

Umapela na rin ang nanay nitong si Rosalie sa Department of Foreign Affairs (DFA) at kay Labor Secretary Silvestre Bello III para matulungan ang kanyang anak.


SHARE
Previous articleWALA SA DAMIT!
Next articleAng libro ng lolo ni JC!