OFW hospital

By

Straight-talking pero may sense of humor. ­Sino ba ‘yan kundi si ­President Rodrigo Duterte, ang readers’ choice awardee ng Time Magazine among global personalities.

Seryoso pero dinaan sa biro ng Pangulo pagdating sa Middle East ang announcement sa balak niya na magtayo ng isang ospital para sa OFWs.

Aniya, hindi naman tama na mapabayaan na lang ang mga OFW ­habang napakalaki ng kontribusyon nila sa pagpapalago ng ekonomiya ng Pilipinas through their remittances.

Steady income

“We have to repay those who gave us steady income through their ­remittances. And the ­OFWs gave a lot. I will give you primary importance. I will look for ­money,” anang Pangulo pagdating niya sa April 10-17 Middle East visit.

“‘Pag hindi, hoholdapin ko ‘yung ­Central Bank, tulungan lang ­ninyo ako. Kailangan ­natin ng armas diyan,” ang biro ng Pangulo patungkol sa OFW hospital na nais niya itayo.

“I will look for the money… Unahin ­natin ito,” ang dagdag ng ­Pangulo.

Top salesman

There’s no doubt na kayang pondohan ng pamahalaan ang pagtatayo ng OFW hospital.

After all, hindi ba’t halos US$1 bil­yong investment deals ang ­iniuwi ­niya ­mula sa Saudi ­Arabia, Bahrain at Qatar.

Sa kanyang state visit sa China ay US$15 billion ang na-seal ni Pangulong Duterte at US$11 billion naman sa kanyang pagbisita sa Japan.

Bukod sa ­fund-raising at marketing skills na ­ipinakita ng Presidente sa kanyang state visits, mayroon din siyang political will to see things through.

Buck-passing

Kaya may duda ba na mae-establish “in a few months” ang isang OFW department na tututok sa concerns ng OFWs, ­gayundin ang isang OFW hospital?

Wala, from where I sit. By having an OFW department, wala nang buck-passing na pwedeng maganap kung magkaproblema ang OFWs. May lead agency na kasi na in-charge sa all-things OFWs.

Looking good

Kung matayo naman ang isang OFW ­hospital ay hindi na kailangan pang umamot ng awa ang OFWs na may sakit sa ibang government hospitals dahil meron na silang exclusive medical center.

Things are looking good, ‘di ba?

***

Come follow me on Twitter @beeslist or call 551-5163 or email usapang_ofw@yahoo.com for your comments and questions.