OFW I.D. libre

By

A few issues back ay hinikayat natin ang Department of Labor na maglabas ng categorical­ statement kaugnay ng claim sa isang media ­report na hindi libre ang OFW ID.

Matatandaan na ayon sa claim ng isang OFW na nag-aplay raw para mabig­yan ng ID ay may bayarin na P501 para sa ID at P200 kung ito ay ipapa-deliver.

Ang claim ng OFW ay taliwas sa sinabi ng DOLE sa unveiling ng OFW o iDole Card na ­libre ang ID bagama’t hindi pa finalized ang features ng card.

Definite statement

Well, in response sa nasabing claim ng OFW ay naglabas si Labor Secretary Silvestre Bello ng definitive statement na ­libre nga ang OFW ID card at kung may cost man ito ay hindi sa bulsa ng OFWs manggagaling.

Okay, out of the window na dapat ang issue na iyan at hindi na dapat sakyan pa ng ilang pulitiko na paboritong maki-ride on sa OFW concerns.

Nilinaw rin ni Bello­ na lifetime ang validity ng OFW ID kaya hindi­ kailangang kumuha ng bagong OFW ID kung may bagong kontrata ang OFWs. In fact, valid pa rin daw ang ID kahit in between jobs o retired na ang OFWs.

Bentahan

Balak na rin i-abolish­ ng DOLE ang pre-depar­ture orientation seminar o PDOS dahil ayon kay Bello ay hindi naman ito effective in providing ­information sa departing OFWs.

Tama ang DOLE na excited nang umalis ng bansa ang mga nagpi-PDOS kaya karaniwang wala nang nakikinig. If you remember, nasulat na rin natin na nagkakabentahan lang ng insurance at remittance services sa PDOS.

‘Yung mga PDOS providers kasi ay nakikipag-tie up at kumukuha ng komisyon sa mga insurance agencies at remittance service providers kaya nasasayang lang ang oras sa PDOS.

Pros, cons

Ang nais ipalit ng DOLE sa PDOS ay pre-employment seminar na nais nitong ipabalikat sa recruiters na mas nakakaalam ng concerns ng OFWs sa mga bansang pinagdadalhan nila sa ­nire-recruit.

Pag-usapan natin next issue ang proposal na ito ng DOLE at busisiin natin ang pros and cons, okay.

Meantime follow me on Twitter @beeslist or call 883-0785 or email usapang_ofw@yahoo.com for your comments and questions.