Now na

By
232

Hindi solve si Labor Secretary Silvestre Bello sa balita na sa April 30 pa ititigil ng airline companies ang pangungulekta ng terminal fee sa overseas Filipino workers (OFWs).

Agad na ipinatitigil ng kalihim ang practice o nagbanta ito na magsasampa ng kaso laban sa airlines na hindi agad magtitigil sa pagsasama ng terminal fee sa presyo ng plane tickets.

On top of this, pinapa-account din ng hepe ng DOLE sa airlines ang total amount ng terminal fee na nakolekta nila vis-à-vis sa perang na-turn over sa Civil Aviation of the Philippines (CAAP).

Palpak 

Actually, sa simula pa lang ay kinuwest­yon na ng Usapang OFW kung saan napupunta ang terminal fees ng OFWs na siningil pero hindi na nila nakuha pang ipa-reimburse.

If you remember, ang haba ng naging pila sa reimbursement ng OFWs sa terminal fee kaya marami ang hindi na nagpa-reimburse kaysa ma-miss nila ang kanilang flights.

Ang pagsasama ng terminal fee na P550 sa cost ng plane ticket ay pakulo ng dating hepe ng Manila International Airport Authority (MIAA) sa nakaraang administrasyon.

Unlawful

Ang naturang policy ay lumabag sa Migrant Workers Act at tahasang binatikos noon ng mga senador at kongresista.

Eh pero may menta­lity yata na “what are we in power for,” dahil nagbingi-bingihan lang ang dating hepe ng MIAA sa puna na labag sa batas ang utos niya.

So, alam na natin kung sino ba talaga ang unang dapat kasuhan sa usapin na ito.

Simple 

Come to think of it, nakapagtataka talaga kung bakit naurong mula March tungo sa April 30 ang pagpapatigil sa pa­ngungulekta ng terminal fees sa OFWs.

Gaya ng nasabi natin dati, simpleng utos lang ng MIAA ang nagpasi­mula sa baluktot na practice na ‘yan kaya simpleng utos rin lang ng MIAA ay dapat tapos na ‘yan.

Wala namang magagawa ang airlines kundi tanggalin sa costing ng plane tickets ang terminal fee kung iutos ‘yan ngayon ng MIAA.

***

Come Follow Me On Twitter @beeslist or call 551-5163 and email usapang_ofw@yahoo.com for your comments and questions.