North Cotabato Councilor itinumba

By

Tinambangan ng hindi pa kilalang gunman ang isang konsehal ng Barangay sa Pikit, North Cotabato noong Martes.

Sa report na ipinarating kahapon sa Camp Crame, lulan ng motorsiklo ang biktimang si Mamay Mata­lam, konsehal ng Barangay Poblacion, nang barilin sa ulo ng suspek.

Sinasabing angkas ng biktima ang kaibigang si Tho Puwi Limbal, nang tambangan pero hindi ito tinamaan ng bala matapos mabilis na makatalon.

Sa ngayon ay nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang pulisya sa insidente.