Nora, Vilma, Sharon & Maricel, PINAGTIBAY ng mga kabiguan at tagumpay

MGA TANGING YAMAN

By

NGAYONG ­namayapa na si Ms. Lolita Rodriguez, takang-taka ang diva that you love kung bakit walang publication house na maglalabas ng tribute/in memoriam magazine about her.

Kung sa Estados Unidos naging ALAMAT si Ms. Rodriguez, agad-agad, may isang magazine, maaring Time o kaya ang Life, may isang ispesyal na edition tungkol sa kanyang glory days, contribution to cinema at mga panahon bilang simple at pribadong citizen Lolita.

Alam ko ang Cinema One, ipalalabas ang classic films niya. Pero wala bang magazine, o libro na pwedeng magbahagi ng makulay niyang buhay?

Ms. Rodriguez belonged to an era when the Philippine movie industry was best described as GOLDEN. Ang pinakamahigpit niyang karibal ay si Charito Solis.

Ang confrontation scene nila sa Ina, Kapatid, Anak (1979) ay isa sa hindi makakalimutang pagtatarayan at away sa Philippine cinema.

Mula sa batuhan ng mga linyang PUTIK, malalakas na sampalan at nauwi pa sa sabunutan… The catfight to end all catfights at sa burol pa man din ng kanilang ama.

Kitang-kita dito ang difference of acting style nina La Chato at La Lolita.

Dalawa na lang ang mga icons na mula golden era na ‘yun, sina Eddie Garcia at Gloria Romero, pero ni wala akong nababalitaan o naririnig na may librong isinusulat kung saan ibibida nila ang kanilang glory years.

Ang national treasures na sina Anita Linda, Rustica Carpio, Monalisa at Ms. Mila del Sol, hindi ba sapat ang mga ispesyal na kuwento nila, mga pahayag tungkol sa industriyang kanilang minahal?

Hindi ba panalo kung magbabalik-tanaw at ikukuwento ang studio system nila? Noong ang Pilipinas ang itinuturing na Asian film capital?

Si Rustica Carpio, isa sa paboritong musa ni ­direk Ishamael Bernal. Si Mona Lisa, musa ni direk Lino Brocka.

Si Anita Linda, na­ging musa ni film master Gerardo de Leon sa Sisa at Sawa sa Lumang Simboryo.

Marami silang mga natatanging ala-ala at kasaysayang di malilimutan tungkol sa film masters na nagpanday sa kanila. Magkaiba man ang panahon nina Manong ­Gerry, Ishma at Lino, ang kanilang mga pelikula ay hindi makakalimutan.

We all know these people are very ripe, seasoned, full of wit and wisdom.

Nasa edad na silang gustong magkuwento about the good all years.

Hihintayin pa ba nating mag-fail ang physical faculties nila bago sila kausapin?

Wala man lang bang black and white, coffeetable book kung saan masisilayan ang mga pambihirang ganda nina Norma Blancaflor, Delia Razon, Carmen Rosales, Para­luman, Rita Gomez, Susan Roces, Amalia Fuentes, Gina Pareño at iba pa? Wala bang nag-archives ng photos mula sa Roper’s studio of yore?

Panalo ang vintage photos kung pagsasama-samahin sa isang commemorative book.

Ang legendary kontrabidas na sina Etang Discher, Bella Flores, Carol Varga at Zeny Zabala, hindi ba bonggang magka-Kontrabida 101 book na sila ang eeksena at magrereyna?

nora-vilma-sharon-maricel
Nora Aunor, Vilma Santos, Sharon Cuneta at Maricel Soriano

Ang huling apat na movie queens na sina Nora Aunor at Vilma Santos, Maricel Soriano at Sharon Cuneta, kailan sila pagssama-samahin sa isang magazine cover with tribute pieces written by contemporary film historians and critics?

Sino ang maglalakas ng loob na sumulat ng ­libro tungkol sa kanila, a tell all book about their tribulations and triumphs as ­actresses, ­mothers, wives, lovers and ­women?

Wala bang gustong mag-gamble?

Walang gustong mag-risk?

Kahit ang bold starlets dati na naging mahuhusay na aktres, they deserve a book of their own, an aspirational and inspirational book tungkol sa makukulay na buhay nina Tetchie Agba­yani, Amy Austria, Beth Bautista, Rio Locsin, Jaclyn Jose, Daria Ramirez, Elizabeth Oropesa at Chanda Romero.

Ang third forces, kina Ate Shawie at Inay Marya, ang rise, fall at rise again ni Snooky Serna.

Ang di matatawarang third box office force nina Ate Guy at Ate Vi, si Alma Moreno at ­acting third force na si Ms. ­Hilda Koronel.

Moreno, Serna at Koronel, mga babaeng pinanday ng mga karanasan sa buhay at pag-ibig.
More books and printed publications pa tungkol sa mga haring sina Fernando Poe Jr at Dolphy.

Pati na sina Ramon Revilla Sr., Chiquito at Panchito, Pugo, Tugo, Patsy, Dely Atay-atayan at Chichay.

Dapat may libro rin tungkol kina Helen Vela, Bert ‘Tawa’ Marcelo, Ading Fernando at Inday Badiday.

Maraming film students at lovers of film history ang matutuwa at maaliw pag may mga libro o magazine para sa mga espesyal na nilalang na mga ito.

Minsan natin silang minahal. It is proper to immortalize them and their stories in book or magazine form, para it can be handed down, and studied from generation to generation.


  • Mang A Asar

    Hello! If no one wants to do it then it should be you. You know more about these people than anybody else kaya you should start passing the hat and get some funding to start what you think is right to honor these icons. Go for it sister!!!!

  • asarin

    parang nakalimutan mo yata si LT… MAHUSAY DIN SYA, DI BA?

  • Chris Kris

    Unti-unti ng nauubos ang mga magagaling na artista. Dapat may tribute sa kanilang lahat . I think Snooky Serna story is very interesting . She never gave up . Her personality and will to survive is very inspiring. Ganun din si Jacklyn Jose . Sino akalain mong maging major dramatic actress sa Pilipinas both of them naging religious at naging miembro ng Iglesia ni Cristo.

  • Florencio Viray

    Theres already a book, Movie Queen.
    Publisher New Day Publishers

    Author Cesar D. Orsal

    Pages 188pp

    Copyright 2007

    Price US$ 18.95

    Bookpaper ISBN9711011596
    https://uploads.disquscdn.com/images/3d70dfb75ea6a2703420ee3208063ca2dd42eaa9f96e28f58e41ac91077b7c2c.jpg

    • Mang A Asar

      Well I guess Alwin did not do a good job researching when he wrote this article.

  • IloveBeige

    ikaw na lang kaya ang gumawa,

  • Ms.NayaTamak

    go for vilma!