Mikee kay Romeo:

No Trade

By

Hindi makukuha ni Terrence Romeo ang kanyang ilang buwan ng wish, ang makalipat ng ibang team sa PBA.

Hindi sinipot ni Romeo ang simula ng practice ng GlobalPort noong Lunes sa Gatorade Hoops Center sa Mandaluyong, pati ang training ng Gilas Pilipinas na naghahanda sa Asian qualifiers ng 18th FIBA World Cup 2019.

Sa kasagsagan pa ng midseason PBA Commissioner’s Cup nagpahayag ang scoring champion ng last three seasons na gusto na ni­yang magpa-trade sa winning team tapos na mabokya pa rin sa championship ang Batang Pier.

Noong isang linggo, giniit nina Batang Pier alternate governor Erick Arejola at team manager Bonnie Tan na walang pagbabago sa kanilang kampo.

Kahapon mismong si team owner­ Mikee Romero na ang naggiit din sa pagkatali ni Romeo sa GlobalPort.

“NO TRADE” post sa bold letters ni Romero sa kanyang Facebook page kasama ang YouTube clip ng 6-footer combo guard na si Romeo, 2013 fifth overall pick, at ni slam-dunking roo­kie Lervin Flores.