NO SMOKING NA SA PINAS!

By

Bawal nang manigarilyo sa buong ­Pilipinas! Ito ay matapos pirmahan na ni Pangulong ­Rodrigo Duterte ang Executive Order No. 26 o ang ­Nationwide Smoking Ban.

Ito ang kinumpirma kagabi ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella kaugnay sa pagbabawal na manigarilyo sa mga pampublikong mga lugar.

Sinabi pa ni Abella na nakatakda pang ­ipakalat ng Malacañang ang ­nilalaman ng pinirma­hang order ni Pangulong Duterte.

Maging si ­Executive Secretary Salvador ­Medialdea ay kinumpirma sa media ang ginawang paglagda ng Pangulo sa EO No. 26.

Ayon kay Secretary Medialdea nitong Mayo 16 pa pinirmahan ng Pangulo ang nasabing EO.

Nakasaad din sa ipinalabas na order ang pagtatayo ng mga designated smoke-areas kung saan maaaring makapanigarilyo.

Ang paglagda sa ­nationwide smoking ban ni Pangulong Duterte, ayon naman kay Health Secretary Paulyn Jean Ubial ay ginawa kasabay ng selebrasyon ng “World No Tobacco Day” sa Mayo 31.

Gagawing halimbawa sa iimplementang nationwide smoking ban ay ang ginawa sa Davao City ni Pangulong Duterte.

Ang EO No. 26 ay iimplementa matapos ang 60 araw na pagkalathala nito sa pahayagan na may “general circulation”.