NBA: KAWHI PIYESTA SA STRIPE


SAN ANTONIO (AP) — Tinira ni Memphis coach David Fizdale ang officiating sa Game 2 ng first-round series ng Grizzlies laban sa Spurs, tinawag ­niyang “unprofessional” at “unacceptable” bago hinampas ng kamao ang mesa at lumayas.

Sinalag ng San Antonio ang late rally para talunin ang Memphis, 96-82, Lunes ng gabi tungo sa 2-0 lead sa kanilang first-round matchup.

Hindi raw binigyan ng veteran crew nina Danny Crawford, Rodney Mott at Bill Spooner ang Grizzlies para itabla­ ang serye, ayon kay Fizdale. Halos dala­wang minutong binira ni Fizdale ang ­officiating sa postgame interview.

“It was a very poorly officiated basketball game,” ani Fizdale. “Zach Randolph, the most rugged guy in the game, has zero free throws, but somehow Kawhi Leonard had 19 free throws?”

Tumapos si Leonard ng postseason career-high 37 points at walang isinablay sa 19 na biyahe sa stripe para sa Spurs.

Tumira ng 15 freebies ang buong team ng Grizzlies kumpara sa 32 ng San Antonio, bagama’t may 35 attempted shots sa paint ang Memphis na mas marami ng 17 sa Spurs.

Nag-rally mula sa 26-point deficit sa second half ang Memphis at dumikit 75-71 sa fourth, pero rumesponde ang San Antonio ng 3-pointers mula kina Tony Parker at Pau Gasol para muling lumayo ng double digits.

Sa Game 1 ay natambakan ng 29 ang Grizzlies.

Galing kay Leonard ang lahat ng apat na free throws ng Spurs sa fourth, nalimitahan ang Grizzlies sa isa mula sa three-point play ni Marc Gasol.

Nakapag-officiate na ng mahigit 400 playoff games ang trio nina Crawford, Spooner at Mott sa mahigit tiga­lawang dekada.

“Kawhi shot more free throws than our whole team, explain it to me,” giit ni Fizdale.
Game 3 sa Huwebes sa Memphis.