Napikong sekyu sa Bulacan kinasuhan

By

Nahaharap ngayon sa kasong frustrated homicide at illegal possession of deadly weapon ang isang security guard makaraang magwala at mabaril sa paa ang kabaro sa Calumpit, Bulacan kamakalawa.

Kinilala ang security guard na si Marvin Alvarez na nahaharap sa dalawang kasong kriminal matapos makumpiskahan ng isang karit.

Ayon sa report, dakong alas-7:35 ng umaga nang maganap ang insidente nang mapikon ang suspek na si Alvarez kaya nabaril ang kabaro nitong sekyu.

Nakadetine na ngayon ang suspek na si Alvarez sa Calumpit Municipal Jail at inamin sa pulisya na naasar siya nang sagutin nang pabalang ng mas nakababatang kasamahang guwardiya na nagpapagaling ngayon sa ospital.