Myrtle at Karylle, magpapasaya sa Aliwan Fiesta

By

MAGTATANGHAL sina Myrtle Sarrosa, TJ Monterde, Jay-R, Paolo Onesa, Mark Carpio, 6 Cycle Mind, at ang mag-asawang Karylle & Yael Yuzon sa iba’t ibang kaganapan sa Aliwan Fiesta ngayon hanggang Sabado (Abril 20-22).

Tampok sina Myrtle at TJ sa isang mini-concert kasunod ng Tugtog ng Aliwan Rhythm Competition at Reyna ng Aliwan Festival Costume Competition ngayong Huwebes.

Sina Jay-R at Paolo Onesa naman ang tampok sa pageant night bukas.

Sina Karylle & Yael ang magbubukas ng awar­ding ceremonies sa Sabado, samantalang si Mark at ang bandang 6 Cycle Mind ang magtatanghal bilang intermission sa pagitan ng mga awar­ding segment.

Ang Aliwan Fies­ta 2017 ay handog ng Manila Broadcas­ting Company at Star City, sa pakikipagtulungan ng Cultural Center of the Philippines at ng mga lungsod ng Maynila at Pasay.

***

Matapos umarangkada sa kanilang pilot week, may bagong pasabog ang cast ng Kapuso Afternoon Prime series na D’ Originals.

Susugod sina LJ Reyes, Kim Domingo, Mark Herras, Katrina Halili, Meg Imperial, Arny Ross at Elyson de Dios sa SM City San Jose Del Monte Bulacan sa Sabado para sa isang mall show.

***

Bagong appoint na board member ng MTRCB ang former mo­vie queen of Cebuano Cinema na si Gloria Sevilla. Nagkaroon siya ng napakabanayad na first review session kahapon with Robert Arevalo at Manunuri Member Roland Tolentino na dalawa sa unang committee na nagbigay ng X rating sa BLISS (na hinihintay pa rin ang R-16 version para sa SM Cinemas).

Mayo 10 na showing nationwide ng kontrobersyal na pelikula.

Papuntang Cebu ngayon sina Direk Jer­rold Tarog at Iza Calzado para sa BLISS Nationwide Ca­ravan.

Next week, Davao naman.


SHARE
Previous articleFEU, UST unahan sa No. 3
Next articleTransSportShow