Mt. Pinatubo tourism sa Botolan nag-level up na!

By
327

Kung summer capital of the Philippines ang Baguio, ang bayan naman ng Botolan sa Zambales ang inaasahang tatanghaling Summer Adventure capital of Zambales.

Ito ay dahil sa gina­wang pagbubukas ng pamahalaang bayan ng Botolan ng ilang tour packages.

Kabilang sa iniaalok ng Municipal Tourism ng Botolan ay ang ATV ride, kayaking at Pinatubo hi­king.

Dahil sa pagbubukas ng ilang tour package ay hindi na lamang pagtatampisaw sa naggagandahang beach at pamimili ng masasarap na mangga sa Botolan ang pag-uukulan ng pansin ng mga turista.

Mt. Pinatubo adventure
Mt. Pinatubo adventure

Ilang package na swak sa bulsa ang inihanda ng pamahalaang bayan ng Botolan para sa mga turista.

Kaya naman bilang tubong Botolan ay na-excite ako sa magandang offer na ito ng local tou­rism kaya agad kong sinubukan. Nakipag-ugna­yan ako sa Botolan Tou­rism Office at humingi ng kanilang tour package.

Inalok ako ng kanilang ATV adventure: Ang mga sumusunod ang pinagpi­lian kong rates: P300 – one lap (approx. 2km)/ P500 – half hour within the camp area/P800 – 1 hour within the camp area/P1,500 – 1 hour (lahar adventure ride with guide).

Ang aking napili ay ang P1,500 lahat adventure na may kasamang tour guide.

Mula Quezon City ay bumiyahe ako gamit ang aming sari­ling sasakyan. Tinakbo lamang namin ng halos tatlong oras ang QC patungong Botolan, Zambales.

Sa mga walang sasakyan, maari namang mag-commute at sumakay sa Victory Liner terminals. Mayroon sa Caloocan, Pasay City, Kamuning, Cubao at España at bumaba sa munisipyo sa bayan ng Botolan.

ATV rides
ATV rides

Mula sa munisipyo ay may naghatid na sasakyan sa akin patungo sa Kainomayan Camp sa Barangay San Juan kung saan naroroon ang mga ATV rides. May ilang grupo rin akong nakasabay na nag-avail ng tour package mula sa Maynila.

Na-enjoy ko ang in-avail kong package na kung ikukumpara sa ibang pasyalan ay hindi hamak na mas mababa ang alok sa Botolan.

Bukod sa mura ay bentahe rin ang lugar dahil malapit lang sa Metro Manila kaya hindi ka mababagot sa biyahe at marami ka pang magagawa sa kahit isang araw lamang na bakasyon.

Sa mga gusto namang makarating hanggang sa paanan ng Mt. ­Pinatubo, mayroon din naman pac­kage ang Botolan Tou­rism Office, ayon sa head ng tanggapan na si Majalia Dolan-Dolan-Dial.

Kanya nga lamang, mayroong isa at kalaha­ting oras pang paglalakad o trekking patungo sa paanan ng bulkan.

Kanya nga lamang, hindi na kaya ng powers ko ang maglakad kaya paghahandaan ko na lamang sa mga susunod na araw ang pag-ak­yat ng Mt. Pinatubo.

Sa mga nagnanais na kumuha ng complete package patungo ng Mt. Pinatubo, kailangang maglaan ng pito hanggang walong oras papunta sa crater ng Mt. Pinatubo at pabalik ng Kainomayan Camp.

Para walang hassle sa inyong lakad, mas mainam na makipag-ugnayan sa Botolan Tourism Office.

Local Government Unit, Nat’l Highway, Brgy. Tampo, Botolan, Zambales 2202 Philippines o sa mga cellphone numbers +63-977-854-1474 at +63-998-987-2643.

Sumegway, nag-kayaking sa Bancal River

Dahil sobra-sobra pa ang aking oras ay sinamantala ko rin ang alok na kayak adventure sa Bancal River Park ng local government.

Tayo nang mag-unli kayak sa Bancal River
Tayo nang mag-unli kayak sa Bancal River

Napakamura kasi ng kanilang kayak adventure. Sa halagang P150 ay makakapag-unli gamit ka ng kayak.

Maaari ring sumakay ng speed boat sa halagang P1,500 para sa ­anim na katao at mapapasyalan na ang ipinagmamalaking Bancal ­River na napakalinis at napakasarap pa ng sumasalubong sa iyong hangin.

Sa mga gustong magbakasyon ngayong summer na ikinukunsi­derang mamasyal sa malalayong lugar o mag-abroad pa, i-try mo ito, mas malapit na dahil ilang oras lang naman ito mula Maynila ay tipid pa sa gastos at tipid pa sa pagod.


SHARE
Previous articleBagong sakit ng ulo
Next articleNLEX INIWAN NG BOLTS