Mocha: Wala akong ninakaw sa gobyerno

By

“Wala po akong itinatago sa inyo, hindi po ako nagnanakaw sa gobyerno.”

Ito ang naging mensahe ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Assistant Secretary Mocha Uson kasabay ang paghingi ng pang-unawa sa taumbayan kung hindi muna nito maitigil ang kanyang pagpi-perform sa mga casino.

“Sa aking parte naman po humihingi po ako ng pag-unawa sa inyo kung hindi ko po muna mai-give up ‘yung pagpi-perform ko o ‘yung aking grupo na Mocha Girls dahil breadwinner po sila ng kanilang mga pamilya,” apela ni Uson sa isang radio interview kahapon ng hapon.

Sinabi ito ni Uson kasunod ng kontrobersya sa kanya matapos maispatan na nagtatanghal sa isang casino.

Sa kabila ng mga inaabot na batikos sa mga kritiko, binigyang-diin ni Uson na walang dapat ipa­ngamba ang publiko dahil hindi siya nangungurakot o nanghuhuthot sa pondo ng gobyerno at transparent din ang kanyang mga ginagawa.

Para naman sa kanyang mga bashers, sinabi ni Uson na: “Go ahead… enjoy.”