Mobile apps na reseta ipatutupad

By

Gagamit na ang Food and Drugs Autho­rity (FDA) ng “Electronic Logbook” mobile application para makatipid sa oras, papel at higit na makapagligtas ng buhay.

Ayon kay FDA Director General Nela Charade, bahagi rin ito ng hakbang para sa modernisasyon ng ‘pharmacy sector’ sa Pilipinas.

Nabatid na tatanggalin ng E-Logbook apps ang ‘paper bureaucracy’ sa pagrereseta ng mga gamot sa mga pasyente habang makakakolekta ng mga importanteng datos na maaaring magamit sa pagliligtas ng buhay.

Nalaman sa tala ng FDA, nasa 10,000 aktibong botika sa 7,000 isla sa bansa ang kanilang mino-monitor habang nasa 50 taon nang nauubos ang kanilang oras sa pagpuno sa mga ‘logbooks’ upang makatupad sa batas ukol sa ‘patient prescriptions’.

Ang E-Logbook ay ilalagay sa mobile application na ginagawang digi­tal ang mga preskripsyon gamit ang mga smartphones.

Nabatid ang nabanggit na mobile apps ay mula sa isang bagong HealthTeach na kumpanya sa Southeast Asia na nagdi-develop ng mga mobile technology.

Kabilang sa magagawa ng E-Logbook ang pag-digitalize sa mga preskripsyon at mabilis na pagpapadala ng mga datos sa mga gamot na makakapagsagip sa buhay; proteksyon sa mga pasyente sa pag-monitor sa paggamit ng resetang mga gamot, mabilis na pag-recall sa mga mapanganib na mga droga, at pagsawata sa pagkalat ng mga peke at expired na mga gamot.